Mayroong tatlumput tatlong War Order sa mga labi ng Ancient Heavenly Court. Base sa kalkulasyon ni Milo, balak niyang damihan ang mga War Order na makukuha niya at ibebenta ito sa may kailangan nito. Mayaman ang mga makapangyarihang mga pigura at mga prodigy na tumungo sa Earth na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng universe.
Ngunit, si James ang nakakuha sa War Order sa pagkakataong ito. Sa loob lamang ng ilang araw, lumakas ng husto si James. Mas malaki ang mawawala sa kanya kung makikipaglaban siya kaysa isuko ang isang War Order.
Samantala, naupo si James ng lotus position para magpahinga.
Maraming nilalang ang nagtipon sa Mount Flames—sampung libo sila. Lahat sila nakatitig kay James.
Ngayon at nasa mga kamay na ni James ang War Order, makukuha nila ito kapag natalo nila si James. Ngunit, hindi madaling talunin si James, halos imposible ito.
Marami ang isinanatabi ang pag-iisip na ito. Kung may lakas sila para talunin si James, hindi sila magkakaroon ng problema na maghanap ng War Or