Ilang halimaw ang nagpunta roon pagkatapos marinig ang mga ingay.
Pagdating nila roon, nakakita sila ng isang aninong inaatake ang sugatang si James.
"A-Anong nangyayari?"
"Hindi ko alam."
"Base sa itsura ni James, sinusubukan niya sigurong tumaas ulit ang rank niya."
"Ano?"
"Imposible yan. Ilang araw pa lang. Paanong tataas na naman ang rank niya?"
"D-Dali! I-livestream niyo to."
Maraming halimaw ang pumalibot sa lugar. Kahit na hindi nila naintindihan ang sitwasyon, mabilis nilan