Nakita ni Donoghue na nakawala na sila Xenia at ang iba pang Oracles. Hindi na sila nakatali. Ganoon din, dalawang mapapayat na anyo ang makikitang nakatayo sa harap niya. Ito si Ileana at Yuri.Natigilan siya sa loob ng ilang sandali, subalit, patuloy ang pamumula ng kanyang mga mata dahil sag alit.“Napakagaling! Napakagaling talaga!” sarkastikong sambit ni Donoghue.Sumunod, nilingon niya si Darryl. “Natuto ka nang manloko ng ibang tao. Gusto mo ba talaga itong gawin, Darryl? Sa tingin mo ba sapat na ang presensya niyong tatlo para sagipin ang Nine Saint Oracles? Minamaliit mo ba ako?!”Nagawang higupin ni Donoghue ang kapangyarihan ng King of the Dead, kaya hindi nakapagtataka kung bakit ganito siya kayabang,Nang maramdam ang galit ni Donoghue, huminga nang malalim si Darryl, “Nakasalalay ang kaligtasan ng The Nine Continent sa Nine Saint Oracles. Kailangan ko silang iligtas.”Humigpit ang hawak ni Donoghue sa King of Death’s Chain saka siya nakasisindak na nagsalita. “Sige.
Ler mais