Tumango si Charlie at sinabi, “Maliligtas ang buhay niya sa sandaling pumasok sa bibig niya ang pill, pero pwede mong ibigay ang kalahati ng pill sa kanya at inumin ng kalahati ng pill para sa sarili mo. Sa ganitong paraan, mabubuhay ang anak mo, at mas magiging maayos din ang kondisyon ng katawan mo. Hindi ka pa masyadong matanda, kaya kung magiging maayos ang lahat sa hinaharap, marahil ay hindi pangarap na mabuhay ka hanggang 90 years old.”Nang marinig ito ng matandang babae, hindi na niya ito masyadong pinga-isipan at sinabi nang nagpapasalamat kay Charlie, “Mr. Wade, salamat sa kabaitan mo!”Habang nagsasalita siya, nilagay niya ang buong pill sa bibig ng anak niya nang walang pag-aatubili.Sa sandaling ito, hindi talaga naniniwala ang matandang babae na magiging mabisa ang pill, pero alam niya na ito na ang huling pag-asa niya, kaya kailangan niya itong subukan at lumaban para sa buhay ng anak niya.Ang hinding-hindi niya inaakala ay sa sandaling pumasok ang pill sa bibig ng
“Phoenixica?”Bahagyang kumunot ang noo ni Charlie nang marinig ang salitang ito.Mayroon ngang halamang gamot na tinatawag na ‘Phoenixica’ sa Apocalyptic Book. Ang halamang gamot na ito ay sobrang bihira sa mga records ng Apocalyptic Book at nilalarawan ito bilang isang bihirang heavenly treasure na pwedeng hanapin pero hindi nahahanap.Ang dahilan kung bakit sinasabi na isa itong heavenly treasure ay dahil ang halamang gamot na ito ay hindi lang sobrang bihira ngunit madali rin itong namamatay sa proseso ng pagtubo nito.Ang proseso ng germination-to-death para sa karamihan ng Phoenixica ay nasa tatlo o limang taon lang, at sobrang kaunti lang ang tumatagal ng mahigit sampung taon. Ang ganitong uri ng halaman ay dapat tumubo ng mahigit limampung taon bago maging kahoy ang mga baging nito, na tinatawag ding lignification sa botany.Pero, sobrang bagal ng proseso ng Phoenixica para gawing kahoy ito, at kadalas ay tumatagal ito ng mahigit isang daang taon para tuluyan na maging kah
Maliligtas ang mga taong ito basta’t may Phoenixica!Sa una ay akala ni Charlie na alamat lang ang Phoenixica at marahil ay hindi niya ito mahanap ng deka-dekada.Hinding-hindi niya inaakala na makakakita siya ng isa sa madilim na underground operating room na ito sa Mexico!Nanabik nang sobra si Charlie at maingat niyang pinagmasdan ang bracelet na binigay sa kanya ng matandang babae sa parehong oras. Mukang dark brown ito, pero ang isang-katlo ng mga butil ay kasing tingkad ng dugo, at ang kabuuang kapal ay nasa kapal ng hinliliit. Makikita na ang buong kahoy na baging ay pinainit gamit ang mabagal na apoy bago ito maingat na binaluktot para gawing alahas.Mukang medyo iba rin ang bagay na ito kumpara sa karaniwang Milletia. Ang pangunahing bagay ay ang Phoenixica ay may sobrang pinong yari na walang butas sa ibabaw nito, at may sobrang maliwanag na kulay din ito. Ang kulay at pakiramdam ng materyal ay gumagawa ng yari na sobrang hirap gawin nang artipisyal.Pero, mahirap para k
Sa totoo lang, gustong bigyan ni Charlie ang matandang babae ng isang Rejuvenating Pill bilang kapalit.Hindi naging madali ang buhay ng matandang babae at napunta pa siya sa ganitong lugar, kaya siguradong nasaktan nang sobra ang katawan at kaluluwa niya.Kung gano’n, kung bibigyan siya ni Charlie ng isang Rejuvenating Pill at malaking pera, hindi lang na mabubuhay siya ng ilang taon pa, ngunit mabubuhay din nang payapa at pasaya ang matandang babae at ang anak niya sa buong buhay nila.Pero, alam ni Charlei na hindi pwede na bigyan niya lang siya ng Rejuvenating Pill sa ganitong sitwasyon.Dahil, masyadong mahalaga ang pill an ito, at mararamdaman ng mga sundalo mula sa Ten Thousand Armies na hindi patas kung ibibigay niya ang pill sa matandang babae.Hindi nila mauunawaan kung gaano kahalaga para sa kanya ang mukhang walang halagang bracelet na ito.Mararamdaman lang nila na nagsisikap sila nang sobra at nilalagay sa panganib ang buhay nila para gawin ang mga gawain para sa ka
Sa sandaling ito, isang sundalo mula sa Ten Thousand Armies ang lumapit sa kanya, sinunggaban ang kwelyo niya, at direkta siyang kinaladkad papasok sa selda.Ang mga bangkay sa selda ay pinagpatong-patong na sa isang bundok.Nagsalita si Charlie at sinabi kay Porter, “Porter, hanapan mo ako ng lighter.”Minsan ay may gawi si Porter na manigarilyo, kaya naglabas siya ng isang lighter na dinisenyo para sindihan ang mga tabako mula sa bulsa niya at binigay ito kay Charlie.Lumingon si Charlie para itapon ang lighter kay Martha at sinabi nang walang bahala, “Pwede niyong kunin ang lighter na ito. Kukuha ako ng tao para ikandado ang selda mamaya at magpapadala ng tao para kumuha ng mga gasolina mula sa mga tangke ng kotse para ibuhos dito. Pwede mong gamitin ang lighter na ito para sindihan ang gasolina kung hindi niyo na ito kayang tiisin. Kung hindi kayo maglalakas-loob na sindihan ito, pwede niyo rin pillin na bantayan ang mga bangkay sa loob at hintayin ang kamatayan niyo. Pwede kay
Nakaramdam din ng matinding kirot ng kalungkuta ang iba dahil sa masakit na iyak ni Lionel.Siang lahat, walang eksepsyon, ay mga demonyo na kayang pumatay nang hindi kumukurap, at ang bawat isa sa kanila ay handang mawalan ng ulo sa kahit anong oras, kahit saan.Pero, kapag oras na para harapin ang kamatayan, lahat sila ay nawalan ng tapang na isugal ang buhay at kamatayan nila.Binigay ni Martha ang lighter kay Colin at sinabi nang di-malay, “Mr. Madron, bakit hindi mo ito gawin…”Tiningnan ni Collni ang lighter, pagkatapos ay tiningnan si Martha, at nagmura na parang baliw, “Sa tingin mo ba ay kaya ko pang maghawak ng lighter? Hinihiling mo ba na sindihan ko ang lighter gamit ang bibig ko?!”Doon lang napagtanto ni Martha na nadurog na ang mga kamay at paa ni Colin ng mga bala.Hindi niya napigilan na tumingin na lang kay Jose at sabihin, “Jose, bakit hindi mo ito gawin…”Natakot at nalito si Jose, at binulong, “Hindi malakas ang loob ko… Hindi malakas ng loob ko… Gawin niyo
Tiningnan ni Martha ng mala-bundok na mga bangkay na patong-patong sa likod niya at tinanong niya, “Patay na ang lahat ng tauhan mo, kaya sino pa ang inaasahan mong pupunta at magliligtas sayo?”Sinabi ni Juarez, “Ang girlfriend ko! Pupuntahan niya ako kung hindi ako makakabalik! Maliligtas tayo basta’t mananatili tayong buhay hanggang sa makabalik siya!”Ngumisi si Martha at sinabi, “Hindi ko talaga maisip kung paano ka naging boss nang napakaraming taon sa ganyang katalinuhan.”Pagkasabi nito, tinuro niya ang itaas at sinabi nang malamig, “Huwag mong kalimutan na may mahigit isang daang martial arts expert mula sa Ten Thousand Armies sa labas. Hindi sila aalis hanggang sa mamatay tayo. Sa sandaling iyon, mamamatay lang ang girlfriend mo kapag pumunta siya!”Agad nawalan ng pag-asa si Juarez.Pagkatapos nito, natauhan siya bigla at sinabi, “Kahit ano pa, may pag-asa pa rin na maligtas basta’t buhay tayo! Basta’t hindi natin sisindihan ang apoy, pwede nating patagalin ang oras! Ma
Ilang minuto na ang nakalipas.Habang nag-uusap ang mga masasamang mamamatay-tao na iyon sa underground operating room, pinahatid na ni Charlie sa mga tauhan niya ang mga naligtas na biktima bago niya tinanong si Porter, “Porter, nahanda mo na ba ang mga bagay na pinapahanda ko sayo?”Tumango si Porter at sinabi nang magalang, “Mr. Wade, nasa trunk na ng kotse ko ang lahat ng mga bagay na pinahanda mo. Kailangan mo na ba ang mga ito ngayon? Kung kailangan mo ang mga ito, dadalhin ko ito ngayon din.”“Okay.” Nagsalita si Charlie at sinabi, ‘Ilipat mo ang mga bagay na iyon dito.”Pagkasabi nito, tinuro ni Charlie ang isang walang laman na kwarto sa malapit at sinabi kay Porter, “Ilipat mo ang mga bagay dito.”“Okay, Mr. Wade.” Tumalikod si Porter at umalis, at hindi matagal ay dumating siya dala-dala ang isang malaking kahon na kinuha niya mula sa trunk ng kotse.Bukod sa hawak-hawak niyang malaking kahon gamit ang dalawang kamay, may dala-dala rin siyang mabigat na shopping bag sa