Hindi inaasahan ni Colin na mag-iisip ng ganitong tactic si Charlie.Hindi lang na iiklit ang sarili niyang buhay, ngunit kahit ang tatlong anak niya ay hindi malalaman ang totoo sa buong buhay nila. Paano nila matatakasan ang panghahabol ng Ten Thousand Armies?Kahit ang apong lalaki niya ay hindi pagbibigyan. Sa sandaling napahiya ang apo niya at punahin para sa ginawa niya, siguradong kamumuhian siya nang sobra ng apo niya.Sa ganitong paraan, mapuputol nang tuluyan ang lahi ng pamilya niya!Nang maisip ito ni Colin, natakot siya. Umiyak siya at nagmakaawa kay Charlie, “Mr. Wade, hindi mo ito pwedeng gawin. Mr. Wade, kukunin ko ang responsibilidad para sa mga ginawa ko. Kahit na gusto mong parusahan ang mga anak ko para sa akin, hindi mo pwedeng puntiryahin ang isang bata tulad nito, tama?!”Ngumiti si Charlie at sinabi, “Bakit ko siya pupuntiryahin? Nilalabas ko lang ang ginawa ng lolo niya. May mali ba? Hindi ka natatakot kahit na ginawa mo na ang napakaraming mapangahas na b
Tumawa si Charlie at sinabi, “Walang ibang mapupuntahan si Martha bukod sa Mexico! Martha, oh, Martha, sa wakas ay nandito ka na!”Pagkasabi nito, tinanong niya ang sundalo mula sa Ten Thousand Armies, “Kumusta na ang paglilinis sa labas?”Sumagot nang nagmamadali ang lalaki, “Mr. Wade, nililinis na namin ang lugar ng laban bago pumasok ang lord namin. Nilagay na sa walang laman na kwarto sa taas ang mga bangkay na iyon, at naghuhukay na ng lupa ang mga sundalo namin sa loob at labas ng courtyard para itago ang mga bangkay. Malakas ang hangin ngayong gabi, kaya mabilis na nawala ang amoy ng dugo.”“Magaling.” Tumango si Charlie at sinabi, “Pagkatapos pumasok ng kotse, arestuhin niyo sila nang direkta at dalhin niyo sila sa akin!”Sinabi agad nang magalang ng sundalo, “Masusunod, Mr. Wade!”***Samantala, sa silangan na pasukan ng Mexican village na ito.Habang minamaneho ni Kyler ang kotse papasok sa nayon, sila Martha, Jose, at Heather, na nagpanggap bilang asawa ni Kyler, ay s
Sa sandaling pumasok ang kotse ni Martha sa courtyard, bumukas ang gate mula sa loob.Si Lionel, na pamilyar sa kanila, at dalawang ibang Oskian na lalaki na hindi nila kilala ang lumabas sa pinto nang magkasama.Nang makita ni Kyler, na nagmamaneho, si Lionel, nagmamadali niyang nilabas ang ulot niya at binati siya nang masigasig, “Lionel, ang tagal nating hindi nagkita!”Sa sandaling ito, pinuwersa si Lionel na lumabas para ‘batiin’ si Martha at ang iba. Mukhang medyo natataranta siya, at mas mabagal sa karaniwan ang bilis ng reaksyon niya.Pagkatapos siyang tawagin nang ilang beses ni Kyler, sa wakas ay natauhan siya, pilit na ngumiti, at sinabi, “Oo… ang tagal kitang hindi nakita…”Pagkatapos niyang magsalita, mabilis niyang naalala ang mga utos ni Charlie at sinabi niya nang nagmamadali, “Oh, siya nga pala, nasa ibaba ang Boss, at galit siya. Mas maganda kung bababa kayo nang mabilis.”Kinabahan si Kyler at ang iba, at kahit si Martha, na nasa passenger seat, ay medyo nabali
“Oo.” Puno ng desperasyon si Lionel nang maisip niya ang Ten Thousand Armies, at sinabi niya nang medyo malungkot, “Sa ilang paraan, masasabi na may koneksyon na si Boss sa Ten Thousand Armies ngayon…”Sinabi agad nang sabik ni Martha, “Okay, magaling! Anong kailangan nating alalahanin sa hinaharap kung may koneksyon tayo sa Ten Thousand Armies? Makakagawa tayo ng kasamaan nang hindi kumukurap sa Europe, United States, at kahit sa Middle East!”Pagkasabi nito, napansin din ni Martha ang malungkot na tingin ni Lionel at naisip na nag-aalala siguro siya dahil tinuruan ng boss nila ng leksyon si Colin pagkatapos gumawa ng problema ni Colin.Dahil, si Colin ang protektor ni Lionel dito, kaya masama kung mawawalan nga ng kapangyarihan si Colin. Kaya, ngumiti siya at pinagaan ang kalooban niya, “Lionel, hindi mo kailangan kabahan nang sobra. Maraming taon nang pinagsisilbihan ni Colin ang Boss, kaya hindi rin siya masyadong papahirapan ni Boss.”Tumingin si Lionel kay Martha, naglabas ng
May medyo mature, intelektwal, at medyo konserbatibong pagkatao talaga si Hugo.Sa sikat na kahulugan, medyo makaluma siya.Noon pa man ay may kayabangan siya ng mga intelektwal sa unang mga taon pati na rin ang kakaibang kaugalian na masasabing pobre sa mga indibidwal.Ang mga taong katulad niya ay karaniwang hindi nagmumura, pero kapag nagmura siya, siguradong ito ay dahil naiinip na siya nang sobra.Kahit na hindi na kailangan mag-alala ni Hugo sa kaligtasan niya ngayon, hindi niya pa rin mapigilan ang malalim na poot at sama ng loob niya kay Martha.Dahil, sinubukan siyang patayin ng babaeng ito sa pinakamalupit na paraan, pero itinuring niya siya bilang tagapagligtas niya at nagpapasalamat siya nang sobra sa kanya.Kaya, nang makita ulit siya ngayon ni Hugo, hindi na maipaliwanag ng mga salita ang malalim na poot niya para sa kanya.Bukod dito, hindi niya inaasahan na hindi pa rin alam ni Martha ang papalapit na kamatayan niya.Kaya, nagngalit siya at sinabi, “Saan mo naku
Biglang tumalikod si Charlie sa sandaling ito habang tumingin siya kay Martha nang may malaking interes bago siya ngumiti at tinanong siya, “Aunt Cardy, tingnan mo ang katawan ko. Magkano mabebenta ang katawan ko dito?”Nang makita ni Martha si Charlie, natulala siya, tila ba tinamaan siya ng makalangit na kidlat!Nagulantang siya at sinabi, “Charlie… Charlie, bakit nandito ka?!”Ngumiti nang bahagya si Charlie at nagkibit balikat habang sinabi, “Syempre, nandito ako para hanapin ka. Nilagay mo sa kulungan ang biyenan na babae ko, at umiiyak ang asawa ko sa akin araw-araw para iligtas at ilabas sa kulungan ang mama niya. Kaya, paano ko pakakawalan ang isang salarin na kagaya mo?”Sinabi nang malamig ni Martha, “Ano? Sa tingin mo ay makakapaghiganti ka sa akin nang mag-isa kapag nasa Mexico ka?”Pagkasabi nito, suminghal siya nang malamig at sinabi, “Charlie, alam mo ba kung anong lugar ito? Ito ang teritoryo ng Crazy Juarez! Hindi mabilang ang dami ng tao na namamatay dito kada ta
Nanginig sa takot si Martha dahil sa mga sinabi ni Charlie.Tinitigan niya si Charlie at tinanong ang tanong na nagpalito talaga sa kanya. “Charlie, sino ka ba?!”Ang iba, kasama na sina Juarez at Colin, ay nakatingin din kay Charlie habang may naguguluhan na ekspresyon sa sandaling ito.Gusto rin nilang malaman ang pinagmulan ni Charlie, na nasa harap nila.Ngumiti nang kaunti si Charlie at sinabi, “Maraming tao ang gustong malaman ang pagkakakilanlan ko, pero kayo siguro ang pinakamalala sa mga taong ito, kaya hindi kayo karapat-dapat na malaman ang pagkakakilanlan ko. Kailangan niyo lang malaman na tapat sa akin ang Ten Thousand Armies, at hindi ko ito sinasabi para magpasikat. Sinasabi ko ito para ipaalam sa inyo na may sapat na kapangyarihan at abiliad ako para pagbayarin ang pamilya niyo sa katumbas na presyo pagkatapos niyong mamatay!”Si Porter, na nasa gilid, ay sinabi agad nang malamig, “Basta’t ibibigay ni Mr. Wade ang utos, ako, si Porter Waldron, ay ibabalik ang mga m
Ngumisi si Charlie at sinabi, “Martha, binasa ko ang impormasyon tungkol sa dalawang anak na lalaki mo. Hindi nga sila matalino at masasabi na medyo tanga sila, pero hindi ito mahalaga. Nakikita ko na busog sila at may dalawang kamay sila. Nagtatayo ng permanenteng base ang Ten Thousand Armies sa Syria, at may kakulangan ng tao na may malakas na pangangatawan at may simpleng kaisipan para magtrabaho doon. Perpekto silang dalawa para sa trabaho.”Umiyak si Martha sa takot, at hindi niya mapigilan na magmakaawa. Pero, tinitigan siya ni Charlie habang may mahigpit na tingin sa mga mata niya at sinabi nang malamig, “Martha, balak kong buhayin ang mga anak mo, pero kung patuloy mo akong iinisin at magsasabi ka ng kalokohan dito, baka magbago ang plano ko. Sana ay hindi mo ito pagsisihan.”Nang marinig ito ni Martha, kahit gaano pa siya katakot, hindi na siya nangahas na magsabi ng kalokohan.Dahil, naiintindihan niya na mas mabuting mabuhay kaysam mamatay.Mas mabuti para sa dalawang an