Nang magsalita siya’y basa sa pawis ang pupil at hindi nito maitago ang kaniyang emosyon.
Whoa…
Nang marinig ang mga salita sa hangin, napuno ng boses ang loob ng kuwarto nang masabik ang lahat kabilang sina Rachelle at ang mga opisyal.
“Paniguradong iyon ang Sect Master…”
“Sinasabi ko na! Sobrang makapangyarihan ng Sect Master. Imposibleng may mangyaring masama sa kaniya.”
Sa gitng ng pagkasabik ng mga tao sa kuwarto, nagmadali si Rachelle para tawagin at ipagtipon ang lahat. “Bilis, ipagtipon ang mga pupil at magtungo kung sa pinanggalingan ng paputok.”
“Masusunod po, Banal na Madre.”
Makalipas ang ilang minuto, nagtipon ang ilang libong elites ng True Flame Sect. Nagtungo sila sa pinanggalingan ng mga paputok sa ilalim ng pamumuno ni Rachelle.
Sobra ang pagkataranta ni Rachelle habang papunta sila roon, inudyok niyang pagmadaliin ang lahat.
Kung nangyari iyon noong nakaraang buwan, hindi magiging ganoon ang kaba ni Rachelle. Mahalagang itala na minaster ni Adam ang Art of