“Opo, Kamahalan.”
Mabilis na sumagot si Forsythe habang nagpapawis nang husto ang kaniyang noo sa nang magsimula siyang magalala kay Morticia.
Galit na galit si Archfiend Antigonus noong mga sandaling iyon. Siguradong nasa bingit ngayon ng panganib ang kanilang reyna.
Natigilan din dito maging si Forsythe. Hindi niya maintindihan kung paano nagawa kanilang reyna na mainlove kay Ambrose.
Naglakad si Forsythe sa labas ng lihim na kuwarto nang utusan niya ang ilang mga elite na disipulo na bantayan si Heather bago siya magpadala ng tao sa Dragon King Island para ipadala ang balita.
“Ikaw—"
Nagulat at nagalit naman dito si Heather. Sinabi na niya ang lahat ng kaniyang nalalaman pero hindi pa rin siya pinapakawalan ng mga ito!
Sa kontinente ng Cryolet, kasalukuyang tirik ang napakagandang araw noong mga sandaling iyon.
Isang chessboard na nakalagay sa lamesa na nasa isang maliit na hardin malapit sa Elixir Sector ang maklikita. Kumportableng nakaupo si Darryl sa isang upuan, dahan d